Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Turista modus buking ng BI

0 297

Binalaan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang mga naghahangad maging overseas Filipino worker (OFW) laban sa mga illegal recruiter na nagbibigay ng pe­keng dokumento.

Inihayag ni Morente ang babala matapos ang dalawang pasahero na nagpanggap bilang mga turista na na­harang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ngayong buwan.

Ayon kay Morente, ang mga pasa­hero, na hindi pinangalanan para sa kanilang proteksyon, ay nagtangkang sumakay sa isang flight ng Emirates Airlines patungong Dubai noong Ok­tubre 7.

Sa ulat ng Travel Control and En­forcement Unit (TCEU) nabunyag na ang parehong mga pasahero ay mga first time traveler na may hawak na pe­keng company ID at certificates of em­ployment sa ilalim ng isang kompanya ng damit.

SM food to go Banner Ad

Kalaunan, umamin ang dalawa na hindi sila kailanman tinanggap ng na­turang kompanya. Ipinakita rin nila ang kanilang mga kontrata sa pagta­trabaho upang magtrabaho bilang mga household service worker (HSW) para sa isang manager na nagtatrabaho sa nasabing kompanya ng damit.

Sabi pa ni Morente, ang mga do­kumento sa paglalakbay ng dalawa ay ibinigay lang ng kanilang recruiter bago ang kanilang paglipad.

Binalaan pa ng BI chief ang mga re­cruiter na pumeke ng mga dokumento upang linlangin ang mga tauhan ng BI.

Samantala, ang mga biktima ay di­nala sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa tulong at karagda­gang pagsisiyasat. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.