Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Turista puwede nang rumampa sa Baguio

0 153

Pwede nang bumisita sa susunod na linggo ang mga turista sa Baguio City, pero ito ay ang mga galing lang sa Ilocos Region.

Ayon kay COVID-19 task force spokesperson Harry Roque kahapon kung saan nasa Baguio ito kasama si Baguio Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong, at si National Action Plan Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon para inspeksiyunin ang lungsod bago ang partial reopening nito.

“Beginning September 22, the City of Baguio will be open to tourists from Region 1,” ani Roque sa Laging Handa virtual briefing.

“The process is easy: register online, undergo the triage and show your confirmed hotel reservation,” dagdag niya.

Wika ni Magalong, hanggang 200 lang ang tatanggaping mga turista ng Baguio. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.