Abante Tonite Interactive

Turn off for: Filipino 3 tricycle driver sabit sa ₱3M holdap

0 1,294

Tatlong tricycle driver ang inaresto ng mga pulis matapos masangkot sa panghoholdap sa isang mag-inang Chinese na kagagaling lang sa pagwi-withdraw ng P3 milyong halaga mula sa isang bangko sa Sta. Cruz, Maynila noong Biyernes ng hapon.

Nabatid na kinasuhan na kamakalawa ng hapon sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek na kinilala ni Chief Inspector Eduardo Pama ng Manila Police District-Theft and Robbery Section na sina Jonathan Hernandez y Nucom alyas Jon-jon, 36-anyos; Paul John Abellera y Ortego alyas Janjan, 23-anyos; at Stevenson Bernard Nicolas Jr. alyas Toto, 42-anyos, pawang residente ng La Torre St., Tondo.

Sinampahan sila ng kasong paglabag sa Article 294 ng Revised Penal Code o “robbery with violence against or intimidation of persons”.

Immediate-Hiring-Ads

Kanilang nabiktima ang mag-inang Grace Sy Ong, 56-anyos, at Nikki Ong Hong, 28-anyos, na agad nagreklamo sa himpilan ng pulisya matapos silang maholdap kung kaya’t nasakote ang tatlong suspek sa follow-up operation.

Pero hindi na nabawi ng mga pulis ang pera at iba pang laman ng bag ng mga biktima katulad ng mga importanteng dokumento at cellular phone. (Juliet de Loza-Cudia)