Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Turner, Dodgers tinisod Nationals

0 256

Maingay ang selebrasyon sa Dodger Stadium nitong Biyernes nang tumulong si Lakers legend Magic Johnson sa pagtataas ng 2020 World Series championship banner ng Los Angeles Dodgers.

Natapos ang 32 taong tagtuyot sa titulo ng Dodgers nang balyahin ang Tampa Bay Rays sa world championship noong October.

Hindi na bago kay Magic ang mga ganitong ring ceremonies.

Noong ‘80s sa kapanahunan niya sa Showtime Lakers, inihatid niya ang team sa limang NBA crowns.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mula 2012, part owner na siya ng Dodgers.

Kampeon din noong 2020 ang Lakers, sa bihirang pagkakataon ay hari sa dalawang major professional sports ang teams mula sa iisang lungsod.

Nitong Biyernes, kumonekta ng homer sa sixth inning si Justin Turner at ipinagdiwang ng Dodgers ang ring night sa 1-0 panalo kontra Washington Nationals. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.