Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Turner may Covid, nakigulo sa Dodgers

0 64

Matapos ang matagal na tatlong dekadang paghihintay, nagkampeong muli ang Los Angeles Dodgers. Nasulot nila ang Tampa Bay Rays six games para sa titulo ng 117th Major League Baseball World Series 2020.

Dahil sa panalo, nagdiwang ang buong Los Angeles dahil dalawang kampeonato na ang kanilang nasungkit ngayong taon, una sa buwan din ng Oktubre ang 74th National Basketball Association( NBA) nang hakbangan din sa anim na laro ang Miami Heat.

Pero napalitan naplitan ang gitna ng selebrasyon ng pangamba nang makigulo pa rin si Dodgers star Justin Turner sa venue kahit na siya’y positibo sa coronavirus disease.

Hindi na siya pinayagang maglaro at inatasanbg mag-isolate, ngunit dumating pa rin ito at kung sino-sino pa ang pinagyayapos at nilapitan sa okasyon.

Maging si Dodgers Manager Dave Roberts na isang cancer survivor ay nilapitang nang walang suot na mask.

Iniimbestigahan na ang pasaway na si Turner sa health and safety protocols. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.