Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Turok kapalit ng boto

0 74

Ayokong magpaka-nega pero hindi malayong mangyari ang ganitong senaryo kung aabutin ang pagbabakuna hanggang sa 2022 o pagkatapos pa ng eleksyon.

Ayon kasi sa mga nangangasiwa ng bakuna kontra COVID ay hanggang sa susunod na taon pa matatapos ang pagbabakuna.

Sabagay wala pa ngang COVID-19 ay sangkatutak na kalokohan na ang naiisip ng mga politikong kandidato para makalibre sa kampanya. Ngayon pa bang may dahilan sila para magmaganda?

Pero huwag naman sana dahil tiyak na ikakagalit ng marami nilang nasasakupan sakaling mangyari ang ating kinakatakutan.

Hindi lang ‘yan masasayang rin ang vaccination program ng gobyerno kung mananaig ang mga politikong gagamit sa bakuna para sa kanilang pampulitikang interes.

Sabi nga ni Senador Franklin Drilon, walang mangyayari sa programa sa bakuna ng pamahalaan kung hahaluan ng politika.

Kaya dapat ay magkaroon ng malinaw na panuntunan sa mga sektor na magiging prayoridad ng vaccination program.

Dapat makatanggap lahat ng bakuna ang mga mamamayan anuman ang political affiliation, religion at economic status.

Ibig sabihin, linawin ang ilalabas na listahan. Huwag ibase sa pagiging kaanak, kaalyado, kakilala, kaibigan ng mga politiko.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman kasi kaila sa gobyernong ito ang palakasan na kung sino ang malapit sa kusina ay tiyak na makikinabang. Sa barangay level pa nga lang ganito na ang kalakaran, papaano pa sa mga tanggapan nina mayor at gobernador.

Kaya ang ganitong kalokohan ang dapat agapan. Mukhang nakapahirap bantayan kaya dapat ay pairalin ang transparency para walang umabuso sa kanilang kapangyarihan.

Alam nating tinapik ng Pangulo ang mga pulis at militar para tumulong sa gagawing pagbabakuna kaya sana ay makatulong sila para hindi makalusot ang mga abusadong politiko at kanilang mga galamay.

***

Sa kabilang banda, dapat ay umalerto ang gobyerno sa balitang patuloy na operasyon ng black market ng COVID bakuna.

Sa halagang P4,000 umano ay may ilang kababayan na umano tayong nagpapaturok para masiguradong protektado sa coronavirus.

Ang hirap lang kasi kahit anong pagsalakay na gawin ng mga awtoridad ay walang mahuli. Ibig bang sabihin nito ay organisado ang sindikatong ito kaya walang makuhang ebidensya ang mga sumasalakay.

Sabagay kung ganito kahirap at katagal ang pagdating ng bakuna, talagang hindi natin masisisi ang ilang may pera na makipagsapalaran.

Pero huwag po natin itong kunsintihin dahil wala kayong proteksyon sakaling pumalpak ang bakunang ituturok sa inyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.