Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Turukan gagawin sa UP gym

0 182

Ipinagamit na rin sa pagbabakuna para sa A2 at A3 priority list ang gym ng University of the Philippines-Diliman (UPD) sa Quezon City.

Ayon kay Dr. Alfred Tengonciang, medical specialist ng UPD campus, anim na araw nang ginagamit ang UPD gym matapos silang bigyan ng go signal ng lokal na pamahalaan ng QC para bakunahan ang mga faculty at mga may comorbidity.

Sila na aniya ang humingi ng permiso para mabilis na maibigay ang bakuna kontra COVID-19 sa komunidad ng UP.

1,002 doses ng Sinovac bakuna ang ibinigay ng QC LGU para turukan ang mga senior citizen at comorbidity personnel ng unibersidad. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.