Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuta ni Roque pisak ng Transportify

0 270

Basag ang bungo ng tuta ng pamilya ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang mabundol ng ng logistics service app Transportify.

Kasunod nito, isang open letter ang nilabas ng misis ni Roque na si Mylah para sa kompanya, dahil tauhan umano nito ang sumagasa sa kanyang 5-buwang gulang na Husky puppy na si Trebs.

Huwebes ng hapon nangyari ang insidente, dahil sa mabilis umanong pagmamaneho ng driver. “The impact was so strong that my puppy’s skull was shattered and there was blood all over,” sabi ni Mylah.

Kinompronta nito ang driver na sumagot na, “Oo ako ang driver. Wala akong kasalanan, ang bagal-bagal kong magmaneho.” Pero may mga nakasaksi umano kung gaano kabilis magmaneho ang salarin.

Sinita rin ng village security guard ang driver dahil sa pagkuha nito ng cellphone video habang humahagulgol si Mylah. Kaya naman kinuwestiyon nito ang pamunuan ng Transportify, “”Should my empathy to your driver’s situation absolve him of responsibility? Why was your driver driving so fast in a residential area and at a sloping road at that? What was your driver planning to do with the video of me crying over my dog?”

Sa pahayag ng Transportify, pinaabot nito ang pakikiramay sa pamilya Roque at nangakong iimbestigahan ang insidente na kinasangkutan ng kanilang partner driver.

“Sanctions will be applied accordingly for any reckless or improper behavior that is discovered,” ayon sa kompanya.

Bumuhos naman ang galit ng mga netizen at nanawagang papanagutin ang driver kasabay ng pagboykot umano sa kompanya. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.