Abante Tonite Interactive

Tutok na sa teleserye kay Enrique: Liza keber sa pagkawala sa ‘Darna’

450

Sa Facebook post kahapon ni Ogie Diaz ay nagbigay siya ng update tungkol sa alagang si Liza Soberano. Ayon sa manager/comedian, happy naman daw ang aktres sa napiling bagong Darna na si Jane de Leon.

Right after the announcement nga raw ng bagong Darna ay hinihingan na ng comment si Liza pero hindi pa raw agad ito nagbigay at sey daw ng dalaga, “let’s give it to her. Moment niya ‘yon, let her enjoy it.”

Kahapon lang nagbigay ng pahayag si Liza na ipinost din ni Ogie.

“I’m so happy for Jane De Leon and Star Cinema. I believe she embodies eve­rything Darna possesses. Beauty, brains, strength, empathy and kindness. I messaged her as soon as I found out and told her if ever she feels the weight of responsibility bestowed upon her, she can always talk to me. I’m so excited for her career and to watch the movie! I can already feel Darna’s success,” ang statement ni Liza na ini-release ni Ogie.

Sinabi rin ng manager na okay din daw sa kanya si Jane as the new Darna.
“Kahawig nga ni Liza, eh. Saka marunong umarte ang batang ‘yan. I think she can deliver,” pahayag ni Ogie tungkol kay Jane.

Pati raw ang mga netizen ay mukhang gustong-gusto si Jane dahil wala raw siyang nakikitang nangba-bash.

As for Liza, naka-move on na raw ito sa pagba-back out sa Darna at sa ngayon ay nasa US pa ito kasama ang boyfriend at ka-love team na si Enrique Gil matapos sumailaim sa finger surgery.

“Ayun, pagdating dito, tutulungan na lang siya ng occupational therapist para mapabilis ‘yung mobi­lity ng daliri niya. So okay naman sa all right ang operation,” post pa ni Ogie.

Pag-uusapan na rin daw ang next teleserye nina Liza at Quen pagdating ng mga ito sa bansa. May dialect daw na pag-aaralan ang aktres na required sa cha­racter nito sa soap.

***

Heaven kay Jimuel: Hindi ko siya tatay para hingan ng pera

Sinagot ni Heaven­ Peralejo ang akusasyon sa kanya na kinukuwartahan lang niya ang boyfriend na si Jimuel Pacquiao, anak ni boxing champ Manny Pacquiao.

Sa kanyang vlog na in-upload sa YouTube kung saan sinagot ni Heaven (with her mom and her best friend) ang mga assumption sa kanya ng netizens, isa sa natanong sa young actress ay kung magkano na ang perang nakukuha niya kay Pacquiao.

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung rumors and everything. I mean, I don’t get money from him, okay? I have work. ‘Di ko naman siya tatay para kunan ng pera,” sagot ni Heaven.

Singit naman ng nanay niya, “saka hello, ba’t kayo ba, ‘pag nag-boyfriend kayo, kukuha kayo ng pera sa boyfriend n’yo? Nagda-drugs ba kayo? Hello!”
May netizen din na inakusahan siyang gold digger at sinagot din ito ng young actress.

“Hindi ko alam kung paano mo nakuha ‘yung assumption na ‘yan,” sey ni Hea­ven pero may karugtong ito na tila naghi-hint na tala­gang break na sila ni ­Jimuel tulad ng napapa­balita recently.

“Maybe because sa ex ko. Ah,” dugtong ni Heaven saka tinakpan ang bibig na parang na­bigla sa sinabi.

May komento rin ang isang netizen na “you have lot of exes” at sinagot ito ni Heaven ng “I think only one lang.”

Of course, si Jimuel agad ang maiisip mong tinutukoy niyang ex dahil nga ito lang naman ang inamin niya sa public na BF niya and besides, she’s only 19.

‘Yun nga lang, if true na split na sila, ang bilis naman dahil kaaamin lang nila last March ng kanilang relasyon at nang makausap namin si ­Jimuel last month, aniya ay 6 months pa lang daw sila ni Heaven.

Unang lumabas ang espekulasyon na split na sina Heaven at Jimuel just recently matapos nilang burahin sa kani-kanilang Instagram account ang mga larawan nilang magkasama.