Abante Tonite Interactive

Tutulug-tulog na pulis kinalampag

By
9

Muling pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang tila ‘natutulog’ na tauhan ng pulisya kasunod ng insidente ng pagkubkob sa dalawang himpilan ng pulisya sa ­Cagayan Valley at mga pagsabog sa Quiapo, Maynila na parehong kabiguan sa intelligence operation.

Ayon kay Dela Rosa, hindi maaaring magpaka-kampante ang mga pulis dahil sila ang maituturing na under threat.

Kasabay nito ay nakiusap si Dela Rosa sa kanyang mga tauhan na huwag nang dumagdag sa sakit ng ulo dahil baka lalong magdusa ang bansa.

Sa halip ay sinabi ni Dela Rosa na dapat silang ma­ging mas alerto at magkaisa sa mga hamon o anumang banta na kinakaharap ng bansa.