Abante Tonite Interactive

Tutuluyan namin ang Phoenix — Arwind

334

Ibabaon pa lalo ng San Miguel Beer ang Phoenix sa Game 3 ng PBA Philippine Cup semifinals sa Smart Araneta Coliseum ngayong araw, Linggo ng Pagkabuhay.

Tinagay ng Beer ang first two games 100-88 at 92-82 para lumamang sa best-of-seven series 2-0.

Pagkatapos ng Game 2 noong Lunes, nag-break ang liga para sa Holy Week, limang araw ng Fuel Masters para paghandaan ang pagbangon.

Parehong determinado ang magkatunggali na manalo mamaya. Ang Phoenix, para hindi malubog sa 0-3. At ang Beermen para lumapit sa series sweep.
“It’s practically a do-or-die game for them,” giit ni SMB coach Leo Austria. “They know that to be down 0-3, it would be very hard to come back. We should be really focused for our next game.”

Sa kasaysayan ng PBA, San Miguel pa lang ang bukod-ta­nging team na umahon mula 0-3 deficit para ipanalo ang isang series. Ginawa nila ito sa Finals ng 2016 edition ng parehong torneo nang tuhugin ang sumunod na apat na laro para sibakin ang Alaska.

Ang comeback na ‘yun, nakilala bilang Beeracle.

Iwas ang Beermen na mangyari sa kanila ang Zero to Hero.

“Ayaw naming mangyari sa amin ‘yun. ‘Yun ‘yung lesson learned. Ayaw naming mangyari sa amin ‘yun,” giit ni SMB ve­teran Arwind Santos. “Hangga’t maaari, ideretso namin ‘yung magandang ginagawa namin, ‘wag kami makalimot.” (Vladi Eduarte)