Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TV channel pinag-awayan! Ate tinodas ng utol

0 243

Patay ang 58-anyos na babae nang malapitan itong pagbabarilin ng nakababatang kapatid matapos magtalo ang dalawa tungkol sa papanooring istasyon sa telebisyon sa bayan ng Mahayag, Zamboanga Del Sur, Miyerkules ng gabi.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Nila Natividad Flores dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan. Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Geronimo Natividad Flores, 46, may asawa at empleyado ng munisipyo ng Mahayag.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-7:30 ng gabi sa tinitirhang bahay ng magkapatid sa Purok 1 Brgy. Poblacion. Base sa salaysay ng mga kapitbahay, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang magkapatid hinggil sa panonooring channel sa telebisyon hanggang sa kumuha ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang suspek at malapitang pinagbabaril ang kanyang nakakatandang kapatid.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek tangay ang baril na ginamit sa krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.