Abante Tonite Interactive

TV host allergic sa carpet

347

Nitong nagdaang kampan­ya, marami ang kumuha sa isang female celebrity host-komedyana dahil magaling naman talaga siya. Fluent siya sa Tagalog at Ingles. Higit sa lahat, may sense of humor siya kaya aliw na aliw ang audience sa kanya.

Isang talent coordinator sa isang tumakbong kandidato mula sa Visayas ang naloka nang malaman niya ang mga kondisyones ni female celebrity host.
Bawal daw sa kanya na patirahin siya sa isang hotel na carpeted ang room. Allergic daw siya sa ganu’n.

Lihim na ngumiti ang talent coordinator habang kaharap si female celebrity host. Alam na niya kung saan dadalhin ang TV host.

Abante Hiring – IT dep

Nu’ng dumating na ang celebrity host sa probinsya, naloka siya dahil hindi sa isang hotel siya nilagay kundi sa isang kubo na malapit sa beach.

“Dito ba ako mag-i-stay?” tanong ng female celebrity host sa coordinator.

“Oo dito ka kasi lahat ng hotel dito puro carpeted ang kuwarto, inaalala ni bossing ang iyong kalusugan,” pakli sa kanya.

Tatango-tango na lang si female celebrity host pero ayaw man niya doon eh wala na siyang magagawa dahil sinunod lang naman ng kanyang kliyente ang kanyang kondisyones.

Sino si female celebrity host na muhing-muhi sa carpet kaya pinatira na lang sa kubo?

Hmmmm… flawless siya at parang ‘di tumatanda. Kahawig niya ang isang winner sa isang pa-contest sa telebisyon. Higit sa lahat, matalino ito’t mataas­ ang pinag-aralan. (Timmy Basil)