Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TV host aso ang inasikaso kesa ang female personality

0 162

Binalikan ng aming mga impormante ang kontrobersiyang naganap nu’n sa pagitan ng dalawang pamosong babaeng personalidad ng mundo ng telebisyon.

​Mainit na mainit nu’n ang isyu sa kanilang pagitan, galit na galit si Female Personality A, dahil sobrang ipinahiya raw siya sa publiko ni Female Personality B.

​Kung anu-ano ang kanyang sinabi, nag-post pa siya ng mga salitang hindi halos malunok ni Female Personality B, pero napahiya siya.

​Kuwento ng aming source, “Upak siya nang upak, pero para lang siyang nakikipagsuntukan sa multo, kasi, hindi siya pinatulan ng inaaway niya! Walang pakialam si Female Personality B sa mga pagkuda niya!

​“Hanggang sa napagod na lang si Female Personality A, para kasi siyang syunga na dakdak nang dakdak, pero hindi naman siya sinasagot ng hinahamon niya!” unang madiing komento ng aming source.

​Ang katalinuhan ni Female Personality B ay ginagamit nito sa tamang paraan, hinid nito sinasayang ang kanyang energy sa pagbibigay-importansiya sa mga tao at bagay-bagay na wala namang kawawaan.

​“Ano ang ginawa niya? Nag-post siya habang nakikipaglaro sa mga alaga niyang aso sa garden! Nakakainsulto ba? Habang inuupakan siya ni Female Personality A, aso lang ang naging sagot niya!

​“Hindi man niya sinasabi, e, parang gusto niyang itawid ang message na mas mabuti pang asikasuhin ang mga hayup kesa sa tao!

​“Di ba naman, napaka-witty ni Female Personality B? Instead na bigyan niya ng panahon ang isang babaeng ipinaglihi sa patola, e, nilaro na lang niya ang kanyang mga aso!” nakakaaliw na kuwento ng aming impormante.

​Dati nang hindi nagkakasundo ang dalawang babae, masyado kasing pakialamera si Female Personality A, kaya deadma lang sa kanya ang magaling na TV host.

​Patuloy ng aming source, “Lahat na lang kasi, e, pinapansin ni Female Personality A. Ang suot niyang damit, ang sapatos niya, parang binibili lang daw niya ‘yun sa kung saan-saan, kaya maraming kamukha!

​“E, witty nga ang lola natin, di ba? Isa lang ang sagot niya, ‘Ang unggoy, damitan mo man ng ginto, e, unggoy pa rin!’ Nalokah ang pakialamerang babae! ‘Yun lang!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante

Willie iwas magsalita

Hindi simple ang pagho-host nang dalawang oras araw-araw. ‘Yung siya na ang mismong host ay siya pa rin ang namamahala sa kung ano ang lalamanin ng kanyang show.

​Hindi na nakapagtataka kung bakit namamaos si Willie Revillame nang madalas. Sa pakikipag-usap pa lang sa mga tinatawagan niyang kababayan natin para bigyan ng ayuda ay effort kung effort na ang pagsasalita niya.

​Kailangan niyang magtaas ng boses para magkarinigan sila. Pagkatapos niyang mamigay ng tulong ay mikropono pa rin ang kanyang hawak, mga games naman sa kanyang show ang inaasikaso niya, mawawalan talaga ng boses si Willie.

​“My gasgas na ang lalamunan ko,” pag-amin niya. “Kailangan ko raw ipahinga ang boses ko, iwasan ko raw munang magsalita. At kung nagho-host man ako, kailangang medya-medya lang ang pagsasalita ko dahil magagalgal na talaga ang lalamunan ko,” kuwento ni Willie.

​Ikinuwento namin sa kanya na ang tanging solusyon ng mga singers kapag nawawalan ng boses ay sapat na tulog. Nakakatulog naman si Willie, hindi nga lang sapat, dahil pagdating sa kanyang bahay ay trabaho pa rin ang nasa kanyang utak.

​Ganu’n siya ka-hands on sa kanyang programa, kailangang alam niya ang nangyayari sa kabuuan ng Wowowin-Tutok To Win, pinakaayaw niya ang pagsalang nang meron pala siyang kailangang gawin na hindi nasabi sa kanya ng writer bago nagsimula ang show.

​Ayaw man niyang magpahinga ay kailangan niyang gawin, kumuha dapat siya ng mga co-hosts na makakatulong sa pagtatawid ng show, hindi ‘yung siya lang ang gumagawa ng lahat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.