Abante Tonite Interactive

TV host dating naghihikahos

758

Good karma talaga sa buhay ang TV host na may magandang hugis ng mukha. Marami siyang pinagdaanang hirap at pagtitiis bago nakaba­ngon at naging milyonarya.

Ilang beses kasi siyang nakipagrelasyon, nabuntis, nagkaroon ng sunod-sunod na mga anak, pero hindi naman siya mapakasalan ng mga lalaking nagdaan sa kanyang buhay.

Nagsikap si magandang mommy na buhayin ang kanyang mga anak. Ma-pride din siya at ayaw niyang basta na lang umasa ng sustento mula sa mga ama ng kanyang mga junakis. Nahirapan si mudra dahil sobrang laylay na noon ang kanyang showbiz career. Sobrang pagtitipid dahil wala na siya laging raket. Kasi nga, wiz na siya stariray noon sa showbiz. Naranasan niyang mangutang at makikain nang libre sa mga kaki­lala, karay siyempre ang kanyang mga anak.

Nag-artista at sumikat ang anak niya, sumikat din ulit si magandang mommy. Nagkaroon siya ng TV show. Nagkaroon ulit siya ng mga pelikula at nagbibida na ulit siya. Mayroon ding sitcom. Kaya nga, cry na lang siya ngayon kapag kanyang naaalala ang mga hirap na pinagdaanan nilang mag-iina.

Pero alam kaya ni aktres na nagdaramdam sa kanya ang ilang kaibigang nakakasama niya noong mahirap pa siya? Hindi man lang daw ito makaalala na imbitahan sila ‘pag may bonggang party ito.

Nu’ng naghihikahos pa siya, ang kaibigan niyang ito ang naghanda sa birthday niya. Pero ngayon ay nagkaka-amnesia na siya. (Melchor Bautista)