Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘TV Patrol’ target tsugiin ng mga cong

0 2,106

Gigil ang ilang kongresista na ipatigil ang pag-eere ng news and public affairs ng ABS-CBN at payagan lamang na ibalik ang mga non-political program o show nito.

Nabatid ito sa panayam kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa online show na “`Wag Po!” ng One PH kung saan sinabi nito na mayroon siyang kasamahan na nagrereklamo dahil sa one-sided aniya na pag-uulat ng ABS-CBN at ngayon ay nagiging problema talaga ang news and public affairs katulad ng TV Patrol ng Kapamilya network.

Tinanong si Defensor kung may timetable ang Kamara sa mga committee hearing nito hinggil sa ABS-CBN franchise.

“Ako sa tingin ko dapat bilisan. In fact, kung puwede lang sana. Personal ko ito. I cannot speak for everyone. Kung ako, kunwari tanggalin muna `yung news and public affairs. Not because ma-influence `yung committee. Not because we want to curtail press freedom. Pabayaan muna `yung shows na muna na non-political. Katulad ngayon, nagrereklamo `yung isang kasama ko. O naka-air naman sila. Tinira si ganito. Tinira si ganyan. Or one sided `yung paglabas ng issues. Talagang, `yung news and public affairs `yung nagiging problem as of now,” sabi ni Defensor.

Para kay Defensor, ngayong wala pang prangkisa ang ABS-CBN sana aniya ay mabigyan muna ng solusyon ang mga taong walang trabaho sa network.

“Kung pwede papayagan muna ‘yung mga programs para naman ‘yung mga tao, hindi mawalan ng trabaho. ‘Yun ang bottom line sa akin. We can take our time to decide. But as long as people have work. People can survive,” dagdag niya.

“Ngayon, may nagrereklamo sa mga kasama. I will not speak for them because anyway, they will open this up in the next hearing na nagiging one-sided daw ‘yung mga report. Siyempre, hindi mo naman masasabi kung one-sided ba o hindi kung sa tingin mo natitira ka, eh di masama,” ani Defensor.(IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.