Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TV5 digital coverage pinabilis ang Bilang Pilipino 2022

0 45

NI: ROLDAN CASTRO

Ang kapatid broadcast network na TV5 at pinakamalaking telco sa bansa, ang PLDT, ay pumirma kamakailan ng kasunduan na naglalayong palakasin at pabilisin ang comprehensive election coverage campaign ng TV5 na Bilang Pilipino 2022.

Sa pamamagitan ng pinirmahang kasunduan, sinisigurado ng PLDT na ang TV5 ay magkakaroon ng mabilis at malinaw na live broadcasting ng mga mahahalagang updates para sa kanilang nationwide coverage ngayong eleksyon. Kinabitan ang mga headquarters at newsrooms ng TV5 ng mas pinabilis at enterprise-grade na koneksyon at pinalakas ang kanilang mga fixed facilities upang makapag hatid ng mapagkakatiwalaang balita at impormasyon, at mga entertainment programs para sa mga lokal at internasyonal na manonood.

Para lalo pang maging maayos ang paghahatid ng balita ng mga Kapatid field news teams, anchors at mga
on-the-field reporters, pakikinabangan din ang extensive na 5G at LTE mobile network coverage ng Smart. Sa pamamagitan ng Smart Postpaid at Smart 5G enabled devices, layuning pagtibayin pa ng PLDT at TV5 ang mga live coverage updates ng mga on-site reporters at teams na nag-uulat mula sa mga kritikal na lugar sa bansa.

SM food to go Banner Ad

“PLDT has long been a partner of TV5 in delivering digital and media services to Filipinos. We are eager to provide digital support for our Kapatids in their coverage of the national elections, which is proving to be the country’s most pivotal turning point for the coming years,” pahayag ni PLDT at Smart President at CEO na si Alfredo S. Panlilio.

Ang mga teknolohiyang ito ay makakatulong sa TV5 para bigyang kakayahan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng world-class quality na media at entertainment content, mapa free-to-air channel man o sa iba’t-ibang digital platforms, at magsilbing inspirasyon sa kanila para maging kaagapay sa nation-building.

“We are happy to once again be partnering with PLDT and Smart, enabling us to bring to the Filipino homes crucial news and information about this historical event that will be unfolding in our country. The expertise in technology and services that our kapatids are extending will allow for us to deliver the most comprehensive and immediate coverage of the 2022 Presidential Elections across all our media platforms: TV5, One PH, Radyo5 and News5’s Youtube and Facebook accounts,” ani naman ng Cignal at TV5 President at CEO na si Robert P. Galang.

Ang TV5 ay pagmamay-ari ng MediaQuest Holdings, sa pamamahala ni Manuel V. Pangilinan bilang chairman, sa ilalim ng MVP Group of Companies kasama ang PLDT.

Leave A Reply

Your email address will not be published.