Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TV5 Tinabla Vice Ganda

0 2,351

Matapos itanggi ng kampo ni ‘It’s Showtime’ host Vice Ganda na walang nangyayaring negosasyon sa kampo nito at TV 5 ay muling uminit ang isyu.

Pero sa pagkakataong ito ang usapin ay tablado na ayon sa impormante ng Tonite si Vice Ganda sa Kapatid Network na pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Tonite sobrang taas umano ng talent fee ang hinihingi ng kampo ng komedyante dahilan para tuluyan na itong tanggihan ng Kapatid network.

Hindi binanggit ng source ng Tonite kung magkano ang pinag-uusapang talent fee ni Vice Ganda pero inilarawan itong ambisyosa bukod pa sa demanding ang kampo ng ‘It’s Showtime’ host.

Sinasabing ang handler ni Vice o ang Viva Films diumano ang nakikipagnegosasyon sa panig ng komedyante.

Matatandaang una nang pumutok sa Abante ang pakikipagnegosasyon ng ilang Kapamilya talent bago pa man tuluyang ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN pero dati nang tinanggihan ni MVP at sa halip ay ini-refer nito ang mga interesadong mag-ober the bakod kay Robert Galang president ng Mediquest Holdings.

Leave A Reply

Your email address will not be published.