Abante Tonite Interactive

Tyga third party sa hiwalayang Kylie-Travis?

353

Kinumpirma na ni Kylie Jenner na hiwalay na sila ng boyfriend na si Travis Scott. Hindi naman umano matindi ang naging hiwalayan nila at sa ngayon ay nakatuon sila pareho sa anak na si Stormi.

Nang pumutok ang isyu ng kanilang breakup, may intriga na dahil umano nagkakaayos ng muli si Kylie at ang kanyang ex-boyfriend na rapper na si Tyga.

Nilinaw naman ni Kylie ang isyu sa kanyang Twitter. Wala umanong kinalaman si Tyga sa paghihiwalay nila ni Travis.

Paliwanag niya, “The internet makes everything 100 times more dramatic than what it really is. There was no ‘2am date with Tyga’. You see me drop two of my friends off at a studio that he happened to be at.”

Dagdag pa niya, ang estado ng relasyon nila ni Tyga sa ngayon ay co-parenting. Sey niya, “Travis and I are on great terms and our main focus right now is Stormi ‼ our friendship and our daughter is priority.”

Ayon pa sa source ng TMZ, ang desisyon nilang tapusin ang relasyon ay nangyari ilang linggo na ang nakararaan. Sinubukan naman nilang ayusin ang relasyon pero hindi na umano naagapan dahil kapwa sila nawalan ng pag-ibig sa isa’t isa. (Ronaline Avecilla)