Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Typhoid fever lumobo sa Cebu

0 92

UMABOT na sa tatlo ang namatay bunsod ng typhoid fever sa Barili, Cebu.

Ayon sa ulat, mayroon nang 98 na kaso ng naturang sakit mula Marso hanggang Hunyo ngayong taon.

Dumating na sa punto na puno na ang Barili District Hospital kung saan 25 ang naka-admit.

SM food to go Banner Ad

May mga bata na ring nagkakasakit kung saan karaniwan sa mga sintomas ay pananakit ng tiyan, diarrhea at lagnat.

Lumabas din na ang dalawang water sources sa lugar ay kontaminado, base sa isinagawang pagsusuri.

Nakipagpulong na si Barili Mayor Julito Flores sa mga lokal na opisyal ng bayan at sa Philippine Red Cross para masolusyunan ito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.