Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tyson kayang itumba ni Logan

0 130

Matapos ang matagumpay na laban ni YouTuber Logan Paul kontra Floyd Mayweather, target naman niya ngayong makaupakan ang boxing legend na si Mike Tyson.

Sa kanyang podcast sa YouTube na ‘Impaulsive Podcast’, mapapanood na hinamon ito ng kanyang lawyer at kinantiyawang hindi ito uubra kay ‘Iron Mike’.

Agad namang kumuda ang vlogger at sinabing lamang ito sa banatan dahil gurang na ang former undisputed heavyweight champion na si Mike.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“You can’t tell me I can’t beat Mike Tyson. He’s old, old,” buwelta ni Logan.

Kamakailan lang ay nanumbalik sa lona si Tyson matapos labanan ang rival na si Roy Jones Jr. para sa charity exhibition match.

Wala pang sagot ang kampo ni Tyson pero umuugong na plano muli nitong lumaro sa mga non-professional match. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.