Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tyson-Lewis part 2 kakagatin pa rin

0 274

Hindi pa nawawala ang interes ng marami sa posibilidad na muling pagsasagupa sa ibabaw ng ring nina dating world men’s boxing heavyweight champions American Mike Tyson at Briton Lennox Lewis.

Inihayag ni Lewis, 55, nitong Lunes na ikukunsidera niya ang “mouth-watering potential rematch” kay Tyson, 54, kung sadyang ninanais ito ng publiko makaraan ang una nilang bakbakan noong June 8, 2002 na pinanalunan ng Brit via eight round knockout.

Ilan sa pabor sa muling paghahamok nila sina 2016 Rio de Janeiro Olympian boxer Charly Suarez na kapwa iniidolo ang dalawa dahil sa pagiging mga knockout artists, at veteran boxing writer Nick Andrew Giongco ng The Daily Tribune, na kinoberan niya sa Memphis ang laban at undercard pa si (eight-division world champ Emmanuel ‘Manny’) Pacquiao.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Okay na okay iyan Idol, para malaman talaga kong sino ang ‘di tumatanda,” wika ng 32-anyos, 5-6 ang taas at three-time Southeast Asian Games champion na Davaoeñong si Suarez.

Inesplika naman ni Giongco na malawak pa rin ang following at fanbase ni Tyson, maiintriga ang mga tao na mapanood kahit nagkaedad na sila, may galaw pa rin ang dalawa, pero huwag aniyang mag-expect na mataas na kalidad na laban dahil ang mahalaga’y swak pa rin ito sa fans. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.