Abante Tonite Interactive

U2 concert kinansela sa kalagitnaan ng show

By
648

For the second time nangyari na naman sa U2 band na mawalan ng boses ang kanilang frontman na si Bono, 58, habang nasa kalagitnaan ng concert.

Ang tour concert ay ginanap sa Berlin nu’ng Sabado.

Halos 20 minutes nang kumakanta si Bono nang biglang umiba ang timpla ng kanyang boses. Struggled na ang boses ni Bono nang kinakanta nito ang ‘Red Flag Day’.

Tumigil si Bono at ang banda sa pagtugtog para magpaliwanag. Espekulasyon ng lead singer na ang usok sa stage sa kabuuan ng Mercedes-Benz Arena ang naging dahilan kaya naapektuhan ang kanyang boses.

Pinapatay ni Bono ang mga smoke machine at pinalakasan ng todo ang aircon. Nag-try siyang kantahin ang ‘Beautiful Day’, na lalong nag-struggle ang boses.

Pinutol na ng U2 ang kanilang show at pinauwi na ang mga fan. Disappointed ang kanilang mga tagahanga nu’ng gabing ‘yun.

“It’s not right for you. It’s useless,” ani Bono sa mga tagahanga. “We’ll play another show for you some other time,” dugtong pa ng vocalist.

The following day, sinabi ni Bono na bumalik na ang kanyang boses at puwede na silang mag-resume.
Aniya, “back to full voice. I’ve seen a great doctor and with his care I’ll be back to full voice for the rest of the tour. So happy and relieved that anything serious has been ruled out.”

Ang susunod na schedule ng U2 concert ay sa Cologne, Germany, bago sila tutuloy ng France, Portugal, Spain, Denmark, Germany, The Netherlands, Italy, Britain at Ireland.

Nangako rin ang Irish rock band na babalik sa Berlin sa November 13 para tuparin ang pangako sa kanilang mga tagahanga.

Ang unang beses na na-cancel ang show ng U2 ay nu’ng 1989 sa Amsterdam. Voice problem din ang naging dahilan ni Bono.