Abante Tonite Interactive

UAAP 2nd semester sports kinansela na

393

Burado na o tuluyan nang kinansela ang second semester ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 dahil na rin sa pagpapahaba pa ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“With the Enhanced Community Quarantine (ECQ) having been extended, the conditions for the resumption of UAAP Season 82 can no longer be met,” saad sa nilabas na statement ng liga kahapon (Martes).

Siniguro naman nitong babalik din sa normal ang lahat kapag natapos na ang dinaranas ngayong COVID-19 crisis.

“All other issues related thereto will be resolved at the proper time as we continue to focus our time, energy, and resources in battling this crisis,” ayon sa walong pamantasang liga.

Kasabay nito, nagpasalamat pa rin sa mga fan, student-athlete, coach at iba pang UAAP members ang pamunuan dahil sa walang sawang pagsuporta sa liga.

“Nevertheless, we wuld like to take this opportunity to thank you, our fans, partners, student-athletes, coaches, and all other members of the UAAP community,” panapos ng statement.

Kabilang sa nakanselang sport sa 2019-2020 season ang volleyball, football, tennis, baseball, softball, athletics, at 3×3 basketball. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad