Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UAAP MVP pa-Spain: Chabi Yo iniwan Growling Tigers

0 269

Babu na sa University of Santo Tomas Growling Tigers si 82nd University Athletic Association of the Philippines 2019 Most Valuable Player Soulemane Chabi Yo, ayon sa ulat ng campus publication na The Varsitarian.

Ipinahayag ng school paper Lunes, na paglalaro sa Europe ng 25-year-old, 6-foot-6 Beninese student-athlete ang dahilan sa pag-abandona niya sa España-based squad

Kaya magiging one-and-done na lang ang basketbolista para sa USTe matapos pakawalan ang kanyang final playing year sa liga na plano pa namang magbukas ng 84th edition sa 2022.

Kinansela ang second semester ng Season 82 at 83 dahil sa Covid-19.

Pumoste si Chabi Yo sa 82nd UAAP men’s basketball ng average na 17.44-point, 14.33-rebound, at 1.39-assist per game. Pero tumapos ang Tigers na runner-up makaraang tumiklop sa Ateneo Blue Eagles sa championship round.

Napag-alaman kay dating UST coach Aldin Ayo na pipirma si Chabi Yo sa isang Division 4 team sa isang liga sa Spain.

“We are happy for Chabi. From a displaced player in 2018, he was able to not only help us reach the UAAP Finals, but also make a name for himself, hirit pa niya. “We are glad that we were able to help in his development.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.