Abante Tonite Interactive

UAAP: Perasol, Jarin positibo kahit lugmok

By
151

STANDINGS
TEAMS W L
ADMU 9 2
AdU 8 2
DLSU 6 4
UST 5 5
FEU 5 6
UP 5 6
NU 3 7
UE 1 10
Mga laro ngayon:
(Ynares Center/
Antipolo City)
2:00 n.h. – DLSU
vs. UST
4:00 n.h. – NU vs UP

Kapwa nabalibag ang mga coach na sina Michael Ray ‘Jamike’ Jarin ng National University at Dolreich ‘Bo’ Perasol ng University of the Philippines sa hu­ling mga salang nila sa 81st University Athletic Association of the Phi­lippines 2018 men’s basketball championship 2nd round eliminations.

Kaya naman sa kanilang rayot mamayang alas-4:00 ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City, walang iba pang nasa kukote ang 2 kundi ang makabalikwas.

Lalo na si Jarin kalakip na maiganti rin ang 88-89 tisod kay Perasol sa 1st round sa Big Dome sa Quezon City noong Oktubte 7. Napag-iiwanan ang NU Bulldogs na nasa ika-7 puwesto sa barahang 3-7 win-loss record, kabilang ang 64-79 defeat sa 2-time defending champion Ateneo de Manila University sa nakalipas na Sabado.

Kabuhulan naman sa ika-5-6 na puwesto ng UP Fighting Maroons ang Far Eastern University sa 5-6 tapos ng 72-80 desisyon sa Adamson University.

Parehong must-win na ang magkabila — ang Katipunan-based cagers sa huling 3 salang – at – ang mga basketbolistang taga-Sampaloc sa natitirang 4 – para makahabol pa sa next round.

“We have three games (left), and if we get the three, I think that we have a chance,” reaksyon ni Perasol nu’ng Linggo.

Sa panig ni Jarin, “well of course right now, of course we’re disappointed for ano­ther loss but again we still have four games. We’re just gonna focus first on what we did right and what we did wrong against Ateneo.”