Abante Tonite Interactive

UAAP soccer, Peb. 17 ang sipa

By
141

Sisipa ang UAAP Season 81 men’s football tournament sa Linggo, Pebrero 17 kung saan magtatapat agad ang last year’s runner-up University of Santo Tomas at Adamson University.

Mag-uupakan ang Growling Tigers at Falcons sa alas-3:00 ng hapon sa FEU-Diliman pitch sa Quezon City, ang ibang nakaiskedyul pang laro ay ang De La Salle University laban sa National University sa ala-1:00 ng hapon habang sa alas-9:00 ng umaga ang kaldagan ng Ateneo de Manila University at University of the East.

Magtatapat naman ang University of the Philippines at Far Eastern University sa Peb. 28.

Samantala, ang one-game juniors championship ng FEU-Di­liman at NU ay ikakasa sa Peb. 21 sa Moro Lorenzo Field sa QC rin.

Magkakalusan naman sa women’s action sa Mar. 2 sa Circulo Verde ang FEU at AdMU sa 1:00 p.m. habang banatan ang UST at UP sa alas-3:00 ng hapon.