Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UAE-based Pinay lalangoy sa PH

0 196

Tatlong United Arab Emirates national record ang tinabunan ng 10-taong-gulang na UAE-based Pinay na si Jaella Mische Mendoza sa katatapos na Swimming Community Performance Championships sa Hamdan Sports Complex sa Dubai.

Ang mga ito ay sa 10-year-old age group 50-meter butterfly, 100m fly, at 100 backstroke events.

Ipinahayag pagkaraan ng estudyante ng GEMS Winchester Dubai na nais niyang maging parte ng Philippine national swimming team.

“My goal is to be known as an international swimmer and be able to represent the Philippines in the Olympic Games in the future,” anang bata na nag-umpisang kumampay sa edad na pitong taon. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.