Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UAE deployment ban sa mga DH binawi ng DOLE

0 84

Pahihintulutan na ng Pilipinas ang mga domestic helper na magtrabaho sa United Arab Emirates simula sa Marso 31, matapos magkasundo ang dalawang bansa para sa proteksyon ng mga manggagawa, ayon sa Department of Labor and Employment.

Sinuspende ng bansa ang deployment sa mga domestic helper para maprotektahan sila sa pag-aabuso.

Sa kasunduan, responsible ang mga local recruitment agency sakaling malagay sa panganibb ang Pinoy helper. Maaari rin umano silang gumamit ng cellphone, magbukas ng bank account, at magluto ng kanilang sariling pagkain.

Pwede rin umanong ma-convert ang tourist visa ng Pinoy para maging working visa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.