Abante Tonite Interactive

Uber humirit ng P12 kada kilometrong pasahe

By
2,051

NAGHAIN na kahapon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fare hike petition ang Uber Philippines kung saan siyam na piso hanggang P12 ang dagdag ang hinihingi nito.

Ayon sa Uber ang dagdag na kanilang hinihingi ay upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis resulta ng pagpapatupad ng (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) TRAIN Law.

Mula sa P5.70 fare kilometer fare ay nais ng Uber na gawing siyam na piso hanggang sa P12 per kilometer ang pasahe, depende sa peak hour, samantala sa kanilang petisyon ay mananatili sa P40 ang base fare at dalawang piso ang time charge.

“The costs that driver partners have to bear to mainain their vehicles is projected to increase due to several factors, including requirements under the Omnibus Franchising Guidelines (OFG), increasing fuel prices, and new excise taxes on petroleum,” nakasaad sa petisyon ng Uber.

Matatandaan na ang Grab ay una nang naghain ng limang porsiyento na fare hike o mula sa dating P10 hanggang P14 per kilometer ay gagawing P11 hanggang P15 per kilometer samantala ang kanilang time charge ay nais itaas sa P2.10 mula sa dating dalawang piso.