Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UCPB umaming niyari ng mga hacker

0 196

Aminado ang United Coconut Planters Bank (UCPB) sa hacking na naganap sa kanila kung saan P167 milyon diumano ang natangay ng mga kawatan.

Ayon sa UCPB, iniimbestigahan na nila ang pangyayari at nakipag-ugnayan na rin sila sa National Bureau of Investigation at iba pang mga awtoridad para kalkalin ang naganap na hacking sa kanilang sistema.

“UCPB is investigating the incident in close coordination with the NBI and other concerned authorities,” pahayag ni UCPB head of corporate communications Rona Gorayeb-Velasco sa Abante Tonite.

Nangyari umano ang hacking nang magpalit ng security system ang UCPB. Nakapasok ang mga hacker sa sistema at nakapaglagay ng malware na siya naman nilang ginamit para malaman ang sistema ng bangko at nakawan ito ng pera.

Sabi ni Gorayeb-Velasco, Hunyo inumpisahan ng UCPB ang imbestigasyon sa pangyayari at parating sinusuri at pinagtitibay ng bangko ang information technonolgy (IT) at security control nito.

Siniguro rin ng UCPB na hindi apektado ang pondo ng kanilang mga kliyente at nananatili itong malakas na institusyon.

Sabi ni Gorayeb-Velasco, kumita pa ang UCPB ng P2.9 bilyon na net income noong katapusan ng Hunyo

“The Bank would like to assure its stakeholders that clients’ funds were not affected by the incident. UCPB remains to be a strong and profitable institution, registering a net income of P2.9Bn for the first half of 2020,” sabi ng UCPB. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.