Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Udenna-Dennis Uy titiba ng P15B sa Malampaya

0 763

Pagpapalawig ng 15 taon ang pinag-uusapan ng Department of Energy (DOE) para sa Service Contract 38 ng Malampaya natural gas facility na makukuha na halos buo ng Udenna Corp. na pag-aari ni Dennis Uy.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, tutubo agad ng mahigit $300 milyon o katumbas ng mahigit P15 bilyon ang kompanya ni Uy sa pabili ng shares ng Chevron sa Malampaya at Shell.

“Just doing the simple math, an easy $300 million was made in a span of two to three years. This is really an incredible return,” sabi ni Gatchalian sa plenary debate ng budget ng DOE kahapon.

Hanggang 2024 lamang ang kinontrata para sa pagkuha ng natural gas sa Malampaya mula sa consortium at 2009 pa humihingi ng extension ang Shell para makapag-drill ito ng wells na maaaring pagkuhanan pa ng natural gas sa lugar at muli nitong kinausap ang DOE para sa extension noong 2018.

Pinagdududahan ng mga senador ang pag-ipit sa usapin ng extension ng Malampaya sa DOE nang ang kausap ay Shell at Chevron. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.