Abante Tonite Interactive

UE student negatibo sa coronavirus

230

Nagnegatibo umano sa 2019 novel coronavirus ang Grade 12 student ng University of the East (UE) na una nang inilagay sa quarantine matapos na makitaan ng mga sintomas ng virus.

Ayon sa pahayag ni UE President Ester Garcia, nagpakonsulta sa school clinic ang estudyante matapos magkaroon ng ubo makaraan ang kanyang pagbitahe sa Hong Kong noong Chinese New Year.

Nabatid na kaagad na dinala ang estud­yante sa UE Ramon Magsaysay Memorial Hospital (UERMMH) para obserbahan at gamutin. Dinala ang sample ng kanyang specimen sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa kumpirmasyon.

“This weekend, the student’s nCoV test result finally became available: NEGATIVE,” ayon kay Garcia.

Ayon pa kay Garcia inabisuhan na sila ng mga doktor sa UERMMH na maaari nang magbalik sa normal ngayong araw ang klase na naapektuhan dahil sa inakalang pagkakaroon ng nCoV ng isang estudyante. (Juliet de Loza-Cudia)