Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UFO sa labas ng bintana

0 149

Mga ka-Misteryo, hindi pa rin nawawala sa mga karanasan ng tao ang mga nagpapakitang UFO at Alien encounters.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta May Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Ramil ng Marikina ay inabot ng madaling araw sa panonood ng telebisyon nang may mapansin siyang may nakalutang sa labas ng kanilang bintana.

Noong una hindi niya napansin ang nakalutang na bagay dahil madilim sa labas hanggang unti-unti niyang maaninag ang tila may hugis bilog na anino na nakalutang. Dito na niya nakausap ang kakaibang nilalang.

Misteryo: “Paano nakipag-usap sayo yung nilalang? Tama ba nakalutang yung bagay na yun sa labas ng bintana niyo?”

Ramil: “Naririnig ko boses niya sa isip ko. Oo nakalutang yung UFO, maliit lang. Sa mga pelikula, tawag ata dyan ay scout ship, yung pang-isahan lang ang sakay.”

Misteryo: “Bakit naman siya nagpakita sayo? Ano ang dahilan? Nagpakilala ba? Bakit daw sila narito sa planeta?”

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ramil: “Hindi ako masyado nakapagtanong kasi nabigla nga ako at medyo natakot pa. Ang sabi lang niya. Matagal na daw sila dito at kaibigan sila ng tao.”

Misteryo: “Teka nung nakipag-usap ba siya sayo, andun pa siya sa scout ship niya?”

Ramil: “Buti naitanong mo. Bigla siyang lumitaw sa harap ko. Para lang siyang anino pero may hugis.”

Misteryo: “Ano pa nasabi niya sayo? Ulitin ko Tanong ko Bakit sayo siya nagpakita?”

Ramil: “Naitanong ko nga yan. Sabi niya napili daw ako para makausap nila, yun lang ang sabi. Mababa lang yung alien na silhouette ang hitsura kaya hindi ko maaninag na mabuti.”

Misteryo: “Pagkatapos nun Ano na nangyari?”

Ramil: “Bigla siyang nawala sa harap ko at nawala na rin yung nakalutang sa labas ng bintana namin. Mula noon, nakikita ko sila sa panaginip.”

Isang uri ng close encounter ang karanasan ni Ramil at marahil may ganito rin kayong karanasan. Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.