Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ugaliing mag-self breast exam

0 168

Ang buwan ng Oktubre ay punong puno ng mga adhikaing medical, lalong lalo na sa may kinalaman sa kanser. Tuwing buwan na ito ay itinatanghal ang breast cancer awareness. Isa ito sa nangungunang kanser lalo na sa mga kababaihan. Ang kagandahan ngayon, dahil sa medisina at syensya, maaaring gumaling mula sa anumang kanser, malaman lang ng maaga at maagapan ang pagkalat nito. Curable na, ika nga, ang kanser, lalo na ang breast cancer. Ang pagdiskubre nito ay mahalaga, kaya’t obserbahan ng mabuti ang katawan. Dahil dito, isinusulong ng ating Department of Health ang sariling breast examination, na nirerekomenda ng lahat ng doktor.

Ang pinakamagandang posisyon sa pag self-breast exam ay nakahiga. Itaas ang kamay ng breast na ieeksamin at ilagay sa ilalim ng ulo. Ang gagamiting pang eksamin ay ang kabilang kamay. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng palad ng tatlong gitnang daliri. Para bang nanunumpa na boy scout o girl scout. Gumawa sa imahinasyon ng guhit na hahati sa breast sa apat. Isang guhit na maghahati sa looban at labasan, at isa na hahati ng itaas at ibaba, magkakaroon ng mistulang quadrants. Ang mga ito ay sa itaas na looban, itaas na labasan, ibaba na labasan, at ibaba na looban. Ito ay ginagawa upang walang malampasang lugar at makasiguro na makakapa at masasalat ang buong breast. Ang palad ng tatlong daliri ay ididiin ng paikot sa kada lugar na nabanggit. Siguruhing masalat ng mabuti ang quadrant bago lumipat sa susunod. Kapg natapos na ang apat na quadrant, ituloy ang eksaminasyon sa areolar area sa gitna, hanggang sa nipple. Ipitin din ang nipple para makita kung may discharge ito o wala. Kasama din na ieeksamin, pagkatapos ng breast ay ang kilikili o axillary area. Salatin din ito kung may makakapang bukol. Kadalasan kung meron man ay kulani o lymph node. Pagkatapos nito, ulitin muli sa kabila namang breast.

Kung may makakapa, kadalasan ay tinitingnan din ang timing kung kailan ang eksaminasyon at kung anong parte ng menstral cycle. Madalas ay maaaring may makapa sa panahon ng mens ang isang babae. Ngunit kung ito ay mananatili, lumalaki, nananakit, o di kaya naaapektuhan ang pagkilos at galaw, kinakailangan nang maipatingin sa doktor. May mga imaging examination na maaaring irequest din ang inyong doktor, tulad ng ultrasound at mammogram. Ngunit ang pinakamahalagang maaaring kailanganing gawin ay gawan ng biopsy. Ito ay upang malaman kung benign o malignant ang bukol. Kung benign, sapat nang matanggal ito, ngunit kung malignant, ito ay kanser na maaaring mangailangan pa ng ibang management tulad ng chemotherapy at radiation therapy.

SM food to go Banner Ad

Ang mahalaga ay madiskubre ng maaga oras na magkaroon ng bukol sa breast. Kung nagaalinlangan, maaaring magpaturo din sa inyong doktor ng maagapan natin ang breast ancer.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe! Get Vaccinated!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.