Abante Tonite Interactive

Ugali’t pagkatao makikita sa Traslacion

196

Dear Abante Tonite:

Magandang araw po sa mga tagasubaybay ng Tonite!

Maganda ang naging takbo ng Traslacion ngayong 2020, ito’y naging mabilis at walang kaguluhang nangyari. Salamat sa kapulisan at kay Yorme Isko sa pagpapatupad ng pagbabago sa Lungsod ng Maynila at ngayon ay binago niya ang kalakaran sa Traslacion.

Marami ang naninibago sa pagpapatupad ng alituntunin sa Traslacion 2020, ngunit mayroon pa ring mga taong hindi marunong sumunod sa mga ipinatutupad na kaayusan. Pilit nilang inaabot ang Itim na Nazareno.

Sinira pa nila ang sasakyan ng kapulisan.

Nag-iwan ng tone-toneladang basura ang mga deboto at buti na lang ay mabilis kumilos ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila at kanila itong nilinis.

Sana sa susunod na Pista ng Nazareno ay sumunod na sila sa mga patakaran para sa kaayusan at katahimikan at lalong wala nang masasaktan.
Bega Pors ng Tondo, Manila