Abante Tonite Interactive

Uhaw na uhaw

Dream Catcher

434

Nanaginip akong nasa isang parang malawak na bukid ako. Wala akong nakikitang sasakyan. Wala ring bahay. At uhaw na uhaw daw ako habang hindi ko malaman kung saan ako pupunta.

Karaniwang nananaginip ang tao na nauuhaw kung sa aktuwal na pangyayari ay talagang nauuhaw ka o nanunuyo ang lalamunan. Ang naramdaman mong pagkauhaw ay nag-iwan ng signal sa iyong isip at dahil malalim ang tulog mo ay ito ang naging topic ng iyong panaginip.

Gayunpaman, kung bibigyan ng interpretas­yon ang iyong paniginip, dalawang simbolismo ang puwedeng pagtuunan ng pansin: ang pagkauhaw at ang malawak na bukid.

Ang pagkauhaw ay sumisimbolo sa kawalan ng satisfaction. Maaaring sa aktuwal na buhay ay hindi ka kuntento sa nangyayari at sa mga nagiging achievement o maaaring kawalan ng achievement mo sa buhay. Ang pagkauhaw sa senaryong ito ay maikokonek sa kalungkutan o pagkadismaya.

Related Posts

Sa iyong panaginip, hindi mo nagawang i-sa­tisfy ang iyong uhaw hanggang sa ikaw ay magi­sing. Pag-aralan ang sitwasyon mo, meron ka bang pinagdaraanan o maaaring pinagdaanan na kung saan may ganito kang feeling: iyong hindi ka masaya at pakiramdam mo ay may malaking kulang sa nangyayari sa buhay mo?

Halimbawang nasa isang relasyon ka pero hindi ka masaya sa nangyayari. Nakukulangan ka sa takbo ng iyong relasyon at maaaring hindi ka masaya sa pagmamahal ng iyong karelasyon. Sa isang trabaho kung saan pakiramdam mo ay sapat-sapat ang ibinubuhos mong effort pero kulang na kulang naman ang tinatanggap mong kompensasyon? Puwede ring sa iyong pamilya kung pa­lagay mo’y binabalewala ka lamang ng iyong mga kapamilya, masasabi namang uhaw ka sa pagmamahal at atensyon.

Ang panaginip mo naman tungkol sa isang ma­lawak na bukirin ay sumisimbolo sa kasaganaan kung ito ay maberde at maaliwalas tingnan. At kung ikokonek ito sa bahaging ikaw ay uhaw na uhaw, puwede mong isiping nauuhaw ka sa kasaganaan. Subalit kung ang bukirin sa iyong pana­ginip ay tuyot ang mga damo at mukhang napabayaang taniman, sinisimbolo naman nito ang kabaligtaran ng kasaganaan.

Muli, tanging ikaw ang makakatukoy ng pinakamalapit na interpretasyon ng iyong pa­naginip dahil ikaw lamang ang nakakaalam ng tunay na sitwasyon mo sa buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.