Abante Tonite Interactive

UHC program baka bumagsak ‘pag inasa sa PhilHealth

547

Inihayag ni Iloilo Rep. Janette Garin ang malaking problema sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Universal Health Care (UHC) Law.

Sa isinagawang briefing ng Department of Health (DOH) sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso noong Miyerkoles, iginiit ng mambabatas na hindi dapat dumepende sa Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) ang UHC program.

Ikinababahala ni Garin na kapag bumagsak ang PhilHealth baka madamay rin ang natu­rang programa.

Aniya, wala namang problema ang presensya ng PhilHealth sa UHC Law, kung sa DOH naman dedepende ang prog­rama at hindi sa PhilHealth mismo.

“One thing that we personally looked up as the possible big loophole in the UHC Act is the fact that going over the IRR, it seems to imply that UHC is somehow on a big perspective dependent on PhilHealth. I look at this as a very big problem because if PhilHealth collapses, then the whole UHC program goes down the drain,” ani Garin.

Ipinahayag naman ni PhilHealth president at chief executive officer Ricardo Morales ang kahandaan ng kanilang ahensya para sa implementasyon ng UHC prog­ram.

Ayon kay Morales, mayroon silang nakalaan na P147 billion reserve fund kung kaya maituturing na ‘financially viable’ ang PhilHealth. (Lorraine Gamo)