Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UK, South Africa variant kalat sa NCR, Calabarzon

0 274

Dalawang variant ng COVID-19 ang laganap sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles.

Ang mga kaso ng United Kingdom o B.1.1.7 variant at South Africa o B.1.351 variant ang pinakamaraming naitala umano sa Metro Manila at Calabarzon.

“In NCR and Region 4A, nandito `yong bulk of cases for both South African and UK variants,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Subalit nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa masabi ng mga local expert at World Health Organization kung mayroon nang community transmission ng nasabing mga variant.

SM food to go Banner Ad

“Hindi natin masasabi at this point because we are only doing sampling,” ani Vergeire.

Sa ngayon, mayroong 1,075 case ng South Africa variant; 948 ng UK variant, 157 case ng P.3 variant (na unang na-detect sa bansa) at dalawang kaso ng Brazil variant sa Pilipinas.

Nakapagtala ang Metro Manila ng 602 South Africa variant, 358 UK variant at 39 P.3 variant. Habang ang Calabarzon ay mayroong 121 kaso ng South Africa variant, 145 case ng UK variant at anim na kaso ng P.3 variant. (Issa Santiago/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.