Abante Tonite
Mabilis sa Balita

UK variant sa Bontoc: 8 OFW suspek ng DOH

0 67

Pinag-aaralan umano ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) sa Cordillera ang swab test result ng walong overseas Filipino worker (OFW) na kauuwi lamang sa Bontoc, Mountain Province dahil posibleng ang mga ito ang nagdala ng UK variant ng COVID-19 sa kanilang bayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nakakita sila ng walo na OFWs or returning overseas Filipinos na bumalik din po sa bansa at pumasok sa lugar na ito. Atin pang kukunin ang details at what were the RT-PCR results of these people so we can identify kung sino pa ang pwede natin makuhang detalye kung saan galing ang impeksyon na ito,” pahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Una nang kinumpirma ng DOH na may local transmission na ng UK variant sa Bontoc subalit wala pa umanong community transmission.

Leave A Reply

Your email address will not be published.