Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ulo, kamay, paa hinahanap: Chop-chop bebot tinapon sa ilog

0 322

Walang ulo, putol ang mga kamay at paa nang matagpuan ang katawan isang babae sa Talamban river sa Cebu City.

Sa report ng pulis, isinilid ang bangkay sa loob ng isang itim na garbage bag.

Sinabi ni Police Captain Jonathan Taneo, Talamban Police Station commander, na namataan ang lumulutang na bangkay ng dalawang mangingisda sa Sitio Kalubihan, Barangay Talamban sa Cebu City kahapon ng tanghali.

Nang bulatlatin ang itim na lalagyan ng basura ay bumungad ang torso ng di pa nakikilalang biktima na

SM SuperKidsDay Banner Ad

nagsisimula nang maagnas senyales na ilang araw na itong patay.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung sino ang mga salarin.

Pinaniniwalaan din ng pulisya na hindi lang ginawa ng isang tao ang nasabing karumal-dumal na krimen.

Sa ngayon ay puspusan din ang paghahanap sa nawawalang parte ng katawan ng biktima. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.