Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ulo nagulungan ng dump truck

0 254

NAGULUNGAN sa ulo ang isang rider nang banggain ang minamaneho nitong motorsiklo ng isang dump truck sa Dasmarinas City, Cavite.

Namatay noon din si Relito dela Cruz, 56, ng Satellite Homes, Brgy San Jose Dasmarinas City, Cavite habang hawak na ng pulisya ang driver ng Howo Dump Truck na may Conduction Sticker na CS U7MO70 na si Rogelio Casilagan, 29, ng Ternate, Cavite.

Sa ulat ni Pat Norman Guerra, ng Dasmarinas City Police Station, ika-8:10 kamakalawa ng umaga nang maganap ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Euro na may plakang BD 46614 sa Aguinaldo Highway patungong Norte nang banggain siya ng dump truck ni Casilagan.

Nakaladkad pa ang motorisklo ng biktima at tumilapon ng ilang metro ang katawan nito bago nagulungan ng harapang kaliwang gulong ng truck ng suspek na agaran nitong ikinamatay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.