Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ulo ng kelot nagulungan

0 104

PATAY ang lalaki nang magulungan ng truck sa Iloilo.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Michael Sotelo, 35.

Sa report, nangyari ang insidente nitong Sabado sa Barangay Natividad sa Barotac Viejo.

Ayon sa Barotac Viejo PNP, sinasabing tumawid ang biktima at umihi.

Pabalik na ito nang masagasaan ng truck.

Itinakbo sa ospital si Sotelo pero idineklarang dead on arrival dahil sa tindi ng pinsala sa ulo.

Lumabas din sa imbestigasyon na nakainom ang biktima.

Hawak na ng pulis ang driver ng truck. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.