Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ulo ng lalaki sinagpang ng buwaya sa Palawan

0 307

Sugatan ang isang 25-anyos na lalaki makaraang atakihin ito ng buwaya habang nangingisda sila ng kanyang tiyuhin sa bayan ng Balabac, Palawan nitong Huwebes.

Kinilala ang biktimang si Janilon Daking Amalong, 25, may-asawa, ito ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Puerto Princesa City matapos magtamo ng mga sugat sa ulo at mata dahil sa kagat ng buwaya.

Sa ulat ng Balabac Municipal Police Station (MPS), alas-1:00 ng madaling raw nitong Huwebes nang mangisda ang biktima kasama ang kanyang tiyuhing si Monching Daki sa lawa sakop ng Sitio Silom-Silom Barangay Catagupan ng nabatid na bayan gamit ang isang bangka.

Sa kalagitnaan ng kanilang panghuhuli ng isda ay bigla na lang umatake ang isang buwaya at agad sinagpang ang ulo ng biktima.

Mabuti na lang at maagap na nasaklolohan ng kanyang tiyuhin ang biktima bago ito mahulog sa lawa.

Samantala mabilis ding lumayo ang buwaya matapos ang pag-atake habang agad namang dinala sa Balabac Rural Health Unit ang biktima subalit dahil sa grabeng pinsala sa ulo at kaliwang mata ay agad itong inilipat sa isang pagamutan sa Puerto Prinsesa upang doon magamot. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.