Abante Tonite Interactive

Ulo ng nakamotorsiklo nagulungan ng trak

By
0 136

Pisak ang ulo ng 27-anyos na lalaki makaraang mabundol ng truck ang sinasakyan nitong motorsiklo at magulu­ngan ang ulo nito sa Quezon City, nitong Huwebes nang madaling-araw.

Kinilala ng Traffic Sector 3 ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima sa pamamagitan lamang ng identification card nito na si Jomar dela Cruz.

Sa pahayag ng mga saksi, ala-1:20 nang madaling-araw, sakay umano ng motorsiklo ang biktima at binabaybay ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, nang salpukin ng truck na tumatawid sa kanto ng New York at Cambrige St., QC.

Tila pasuray-suray umano ang pagpapaandar ng biktima sa kanyang motorsiklo nang mabundol ito ng truck na hindi nakuha ang plate number at pumailalim ang rider.

Sa halip namang tumigil ay mabilis pa umanong pinasibat ng hindi pa nakikilalang dri­ver ang truck at nagulu­ngan pa ang ulo ng biktima.