Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ulo ng tibo binoga

0 182

Palaisipan pa sa pulisya ang pagpatay at pagbaril sa ulo sa isa umanong tomboy ng hindi pa nakikilalang suspek sa Pasay City kahapon ng tanghali.

Maliban sa kanyang tatoo sa kanang binti,wala ng iba pang mapagkakakilanlan sa biktima na tinatayang 25-39 anyos, may taas na 5’2 at nakasandong may stripe at orange na shorts.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, nakatayo ang biktima sa O.C Laurel Street, kanto ng Decena St., Barangay 96, Pasay City alas 12:30 ng tanghali nang biglang sumulpot ang suspek at binaril ito sa ulo.

SM food to go Banner Ad

Nakahandusay na ang biktima nang maabutan nina PCpl Bryan Jonas Agasino at PCpl John Ray Bravo ng Libertar Substation sa nasabing lugar.

Wala pang malinaw na motibo sa insidente. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.