Abante Tonite Interactive

Ulo tinarget

10

Nagulantang ang mga residente ng isang barangay matapos na makari­nig ng malakas na alingaw­ngaw ng putok ng baril ay nadiskubre kalaunan ang isang hindi pa nakilalang biktima na inasinta ang ulo ng hindi pa rin nakilalang suspek sa Quezon City ng hatinggabi kahapon.

Base sa inisyal na imbestiga­syon ni PO2 Virgilio Mendoza ng Crimi­nal Investigation Detection Unit (CIDU) ang biktima ay nasa 30-35-an­yos, medium built, may taas na 5’9” nakasuot ng ­puting t-shirt at kulay brown na short pants.

Nangyari ang krimen dakong alas-12:05 ng hatinggabi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Wilcon Depot sa Bgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Benrie Pol, miyembro ng Barangay Public Safety Office (BPSO) nakatanggap siya ng tawag mula sa isang impormante kaugnay sa nangyaring pamamaril sa nasabing lugar kaya’t agad naman niya itong ini-report sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng multiple gunshot wound sa ulo.

Mayroon ding na­re­kober sa crime scene na tatlong basyo ng bala at isang deformed slug. (Nonnie Ferriol)