Abante Tonite Interactive

Ultra Lotto 6/58 jackpot papalo sa ₱228M

274

Hinimok ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na tumaya sa lumalaking jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na inaasahang lolobo sa P228 milyon sa draw nito ngayong Linggo.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Linggo, Martes, at Biyernes.
Sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Biyernes, Pebrero 21, walang ­nakakuha ng winning combination na 41-43-14-35-52–50 kung saan ­umabot ng P219,334,224 ang jackpot prize.

Paalala naman ng PCSO sa mga mananaya na sakaling manalo sa ­lotto ay agad pirmahan sa likod ang kanilang winning ticket at ingatan ito ­dahil sa no lotto ticket, no winning policy. (Tina Mendoza)