Abante Tonite Interactive

Ultra Lotto jackpot papalo sa ₱935M

175

Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes ­Office (PCSO) na posibleng umakyat sa P935 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na bobolahin ngayong Linggo ng gabi.

Ito’y matapos na wala pa ring mapalad na mananaya ang nakahagip ng jackpot ng Ultra Lotto sa huling draw noong Biyernes kung saan lumabas ang kumbinasyong 01-30-27-36-49-12 at may premyo sanang P903,290,152.

Kung mahagip ang P935 milyong jackpot, ito na ang pinakamataas ng jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas.

Magiging pangalawa naman ang P741 milyong jackpot ng 6/55 Grand Lotto na tinayaan sa outlet sa Subic Bay Freeport ng isang balikbayan mula sa US.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Linggo, ­Martes at Biyernes.