Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Ulysses’ panira sa trip nina Vice-Ion

0 187

Iniintriga ng mga netizen ang relasyon nina Vice Ganda at ng dyowa nitong si Ion Perez.

Hindi kasi sila nakaligtas sa hagupit ng bagyong si Ulysses.

Naging bangungot kasi ang bakasyon ng dalawa sa Balesin Island sa Quezon kung saan kasama nila si Jhong Hilario.

Kung ang malaking bahagi ng Kalakhang Maynila ay nalubog ng baha, pinadapa naman ng bagyo ang tinutuluyan ng showbiz couple sa nasabing resort sa Polillio.

Sa kanyang tweet, sinabi niyang kinailangan nilang lisanin ang tinutuluyang villa sa nasabing isla dahil nawasak umano ito ng mga puno sa paligid.

Isa kasi ang Quezon sa mga lugar kung saan nag-landfall ang bagyong Ulysses kaya naman damang-dama ni Vice ang epekto nito.

Sa kanilang nilipatan, ligtas naman ang kanilang grupo bagamat nawalan din dito ng kuryente.

Nilarawan din niyang mala-delubyo ang kanilang nararanasan nang gabing manalasa ang bagyo sa naturang bayan sa Katagalugan.

Bago pa rito,nakapagbahagi pa siya ng kanyang paglalameryda sa nabanggit na luxury resort.

Biro ng ilang matabil na netizen maging si Ulysses daw ay umeksena at di aprub sa relasyon ng dalawa.

Matatandaang nitong nakaraang buwan, nagdiwang ng ikalawang anibersaryo sina Vice at Ion sa Enchanted Kingdom.

Ang kanilang Balesin trip ay tila karugtong ng kanilang selebrasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.